Saturday, July 10, 2010

naisip ko lang..


i don't know what to say.
hindi ko talaga alam.

siguro dahil masaya ako?

pero bakit nga ba?

knina, kasama kita.

naisip ko lang, sa tagal ng panahon na magkasama tayo,
bakit ganun?

bakit sa araw-araw na dumadaan, hinahanap-hanap
kita lagi?

bakit gusto ko lagi kita makita?

siguro nga ganun lang talaga.. Mahal kita eh!

natatandaan mo pa ba nung February 5, 2006.
ang "fateful night" nating dalawa..

nagpapasalamat lang ako, buti meron sa kalendaryo nun..
kung hindi, panu na?

dati, pinagkkwentuhan pa ntin..
paano kung hindi tayo nagkakilala?
ano kya ang mga paraan na pwede taung magkakilala?

sagot ko nun : "kunwari nagkasabay tayo s jeep,
tapos ikaw ang nagabot ng bayad ko..tapos ngkatinginan tayo!"

naks naman, parang that's a kind of scene na
"in the movies" lang ah.

pero sa totoo lang, paano nga kaya?

paano kung iba ang nakilala ko at hindi ikaw,
mamahalin ko din kaya sya katulad ng pagmamahal ko sayo?
aalagaan ko kaya sya ng katulad ng pagbe-baby ko sayo?

pero alam mo, hindi ko maimagine eh.
hindi ko maimagine sa IBA.
siguro dahil nga nkilala kita.
at DAPAT nga na ipagpasalamat yun!

hayy.. it's been 3 years, 9 months and 4 days.
grabe nuh?

hindi ko akalain na yung taong sinabihan ko dti ng
"ang cute nman nya! parang ang sarap yakapin"
ay naging akin. :)

ang saya ko.
masayang masaya.
ang dami ko dapat ipagpasalamat.

at isa ka sa mga pinaka-una.

wag ka sanang magsasawa ha?

ako, hindi!!

tandaan mo yan! :)


Hakuna Matata!! :-)



3 comments: