Saturday, April 14, 2012

Graduation.


March 30,2012

Graduation 2011-2012

Kasabay ng pag-graduate ng mga bata ay ang pagtatapos ko din sa aking karanasan bilang isang guro sa private school. Oo. Tapos na. Hindi ko alam kung anong lakas ng loob meron ako at naisipan ko na sumugal at i-try ang public school. MAHIRAP. Oo, pero kakayanin ko naman siguro. Pero, madami nagtatanong, bakit?

  • Professional Growth - eto ang dahilan kung bakit ako pumasa sa Licensure Examination for Teachers noong 2009. Balewala din yung lisensya na yun kung hindi ko din lang gagamitin.
  • Experience - maaaring naranasan ko na ito noong OJT days namin, pero iba pa din pag ikaw na ang nagmamay-ari ng buong classroom. ikaw namamahala sa lahat. sa'yo ang batas. ikaw ang batas. ikaw ang sinusunod nila.
  • New Environment - dahil mula nung naka-graduate ako, tatlong taon ako sa Paragon. and I admit it, masyado akong naging komportable to the point na natatakot ako ngayon sa maaring mangyari kung makapasok man ako sa public.
  • To touch more lives - alam naman natin ang environment sa public schools, madaming bata ang nangangailangan ng tulong. tulong sa iba't ibang aspeto ng buhay. pisikal, emosyonal, mental at pinansyal. bilang isang guro, napakalaking pride sa sarili mo pag alam mo na nakatulong ka. yung may nabago ka sa buhay nila. ang sarap sa pakiramdam nun.
  • To teach - dapat ko pa ba ipaliwanag kung bakit?
  • Financial Growth - oo, magpapakatotoo ako. isa talaga ito sa mga dahilan. plastik ako kung sasabihin ko na hindi ko gustong makaipon (na hindi ko nagawa nung nasa private ako). hindi na rin naman ako bumabata. may mga plano ako sa buhay na gusto kong matupad. saka ko na sasabihin yung mga yun kapag posible nang mangyari.
  • SANA. SANA. SANA.

Hakuna Matata!! :-)

No comments:

Post a Comment